Ang streaming platform na ginulat ang mundo at nagpainit sa maraming manonood ay may bagong naabot na milestone. Ang Vivamax ngayon ay may 12 million subscribers na!
Sa ilang taon na pagpo-produce ng Vivamax ng mga exciting at kontrobersyal na mga istorya, marami na itong nahikayat na mga audience. Tinupad rin ng platform ang pangako nito na mag-release ng mga kaabang-abang na content linggo-linggo at patuloy tayong na-entertain sa mahabang listahan nila ng mga nakakaintrigang original movies. Samahan ang Vivamax na i-celebrate ang 12 million subscribers achievement nito at kung paano nito binago ang industriya at ang viewing habits ng milyun-milyong tao saan man sa mundo.
Maraming hinandang sorpresa sa lahat ng tagasuporta. Una ay ang pagkakaroon nito ng bagong logo. Vivamax is now “VMX.”Ang logo na ito ay may bagong itsura at bagong statement pero nanatili pa rin ang brand identity na kilalang-kilala na ng marami.
Isa pang dapat na i-celebrate ngayong 2024 ay ang bukod sa pamamayagpag ng VMX sa streaming, narating na rin nito ang big screen at nag-entertain ng mga manonood sa sinehan. Ang first-ever cinema release ng VMX na ‘Unang Tikim,’ na pelikula ni Roman Perez Jr. at pinagbidahan nina Robb Guinto, Matt Francisco at Angeli Khang, mapapanood na rin sa VMX at available na for streaming ngayong November.
Ang VMX ay magkakaroon muli ng theatrical release mula naman sa direksyon ni McArthur C. Alejandre, ang ‘Celestina: Burlesk Dancer. ‘Isang pelikula na naka-set sa 1940s. Ang Celestina: Burlesk Dancer ay tungkol sa isang babae na naging burlesque dancer para suportahan ang kanyang anak matapos nilang iwan ang mapagmalupit nitong asawa. Ito ay nakatakdang maipalabas sa huling buwan ng taon.
Hindi rin magpapapigil ang VMX sa linggo-linggong pagri-release nito ng mga pelikula. Ngayong Oktubre, napanood natin ang Salsa ni L(Christine Bermas, Sean De Guzman, Jeffrey Hidalgo), Tahong (Candy Veloso, Salome Salvi, John Mark Marcia, Emil Sandoval) at Tatsulok (Mariane Saint, Skye Gonzaga, John Mark Marcia). Apat na bagong pelikula pa ang magpe-premiere – Undergrads (Rica Gonzales, Athena Red, VanAllen Ong), Halinghing (Aiko Garcia, Jenn Rosa, Josef Elizalde), Krista (Cess Garcia, Zsara Laxamana, Karl Aquino, JD Aguas), at Donselya (Dyessa Garcia, Arnold Reyes, Anthony Davao, Chloe Jenna, Vern Kaye).
Sa Nobyembre, ipapalabas naman ang Baligtaran (Apple Dy, Skye Gonzaga, Calvin Reyes), Ungol (Audrey Avila, Stephanie Raz, Chad Solano, Ghion Espinosa), Kabitan(Alessandra Cruz, Athena Red, Chester Grecia, Juan Paulo Calma), Maryang Palad (Sahara Bernales, Vince Rillon), Pukpok, (Allison Smith, Arah Alonzo, Mon Mendoza, Rash Flores, Seon Woo Kim) at Boss Ma’am (Jenn Rosa, Vern Kaye, Aerol Carmelo).
At sa huling buwan ng 2024, abangan ang Silip (Rica Gonzales), Pin/Ya (Angelica Hart, Candy Veloso, Julian Richard), Forbidden Desire (Aiko Garcia, Vern Kaye, Josef Elizalde), Lamas (Ataska, Christy Imperial, Mark Anthony Fernandez), Secret Sessions (Alessandra Cruz, Nico Locco), Stepmother Story (Sahara Bernales, Stephanie Raz, Victor Relosa, Josh Ivan Morales at Boi Kaldag (Benz Sangalang, Dyessa Garcia, Azi Acosta, Angeli Khang). Pakaabangan din ang extra special content hatid sa atin nina Salome Salvi at Apple Dy – VMX Top 10.
Hindi lang sa pagiging streaming platform naging successful ang VMX, ang ilan ring VMX stars ay nakilala, nagkaroon ng following, at mapapanood na rin sa mainstream media. Sina Angeli Khang at Salome Salvi ay naging parte ng primetime series ng GMA Network na “Black Rider,” si Quinn Carrillo ay naging parte rin ng GMA Primetime series na “Asawa Ng Asawa Ko,” si Christine Bermas naman ay isa na ngayon sa mga host ng variety game show ng TV5 na ‘Wil To Win’ at kamakailan ay napanood din si Azi Acosta sa hit primetime serye ng TV5 na “Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka sa Lupa.”
Ngayon, may pagkakataon na ang lahat na maging next big VMX Star! Maghanda na para sa spotlight at sumali sa VMXtalent search. Isang kompetisyon para sa mga dalagang edad 18 hanggang 21, layunin ng talent search na ito na mahanap ang star in the making na handang sumabak sa mature roles at bumida sa maraming pelikula ng VMX. Baka ito na ang role of a lifetime na hinihintay mo. Abangan ang mga detalye at dates para sa submission of entries!
Bukod sa mga pelikula na streaming online, pag-premiere sa mga sinehan, at paghahanap ng fresh new talents, mas palalawakin pa ng VMX ang kanilang audience sa paggawa ng mga kaabang-abang na events kung saan bibida ang ganda, talento at creativity. Sumali na, makisaya at ma-entertain sa Film Festival ng VMX at sa Project X: VMX Fashion Show.
Ang VMX Film Festival ay magsho-showcase ng mga pelikulang tatak VMX at ito ay sa direksyon ng mga filmmakers na first time gagawa sa VMX. Layunin ng film festival na ito na mas makakonekta pa sa mga audience sa lahat ng kasarian. Layunin din nito na makapagbigay ng oportunidad para sa mga taong may angking talent sa paggawa ng mga kapana-panabik at worth-watching na stories. Para sa mga gustong sumali, mag-abang lang sa mga magiging detalye sa social media pages ng VMX.
Ang Project X: VMX Fashion Show naman ay isang fashion show na pangungunahan ng 14 VMX artists – sina Rica Gonzales, Sahara Bernales, Robb Guinto, Angela Morena, Micaella Raz, Stephanie Raz, Mariane Saint, Jenn Rosa, Apple Dy, Dyessa Garcia, Audrey Avila, Skye Gonzaga, Aiko Garcia, at Zsara Laxamana.
Inspired sa glitz and glamour ng iconic na Victoria’s Secret Fashion, ang event na ito ang mag-aangat ng kasiyahan sa fashion shows. Ang Project X: VMX Fashion Show ay pangungunahan nina celebrity choreographer Jobel Dayrit at award-winning director, Paul Alexei Basinillo. Siguradong exciting ang event na ito!
May mga aabangang pelikula, may mga competition at exciting events pa. Ang VMX ay hindi na lang basta streaming platform! Ito ay lifestyle trend na rin!
Ang “VMX 12 Million Subs Mega Milestone: Sandosenang Saya!” ay higit pa sa kasiyahan ng pagkakaroon ng 12 million subscribers. Manatiling naka-subscribe at mag-imbita pa ng mas marami – samahan ang VMX sa pag-abot ng panibagong goal, ang road to 14 million. (Roldan Castro)